Naniniwala ba kayo sa forever?
Meron nga ba o wala? Ako kasi... oo. How and why? Sa how muna tayo, kasi ganito yun, sabi ng kaibigan ko "Forever isn't about period of time but period of feelings." And yes, it's true. Oo lahat ng bagay may katapusan at yun ang nagiging basehan natin kung meron nga ba o wala. 'Di naman bagay na pwede lang paglaruan, gamitin o itapon yung feelings natin. Why? Sige dito na tayo. Bakit nga ba? Kasi ayokong matakpan ng kapaitan yung daan patungo kay prince charming. Oh diba? So if ever naman na marinig nyo o mabasa nyo sa akin yung salitang "walang forever" biro lang yun. Hangga't di pa huli ang lahat, buksan nyo na ang puso at isipan nyo. Pinaasa kayo? Sinaktan kayo? Iniwan kayo? Magpasalamat kayo kasi inawa nila yun, dahil kung hindi baka di mo makilala yung "Right person" para sayo. Wag madaliin, may right time sa lahat. Sabi nga nila siguro yung mga taong yun dumaan lang sa buhay natin, di sya nakalaan para manatili. Malay mo sila...