ALA-ALA
Aking naalala, nakaraang puno ng galak, Na ngayo'y dahilan ng mga luhang pumatak. Aking naalala, panahong ako ang dahilan ng iyong halakhak, Mga pangarap na gusto mo kong kasamang tumahak. Ang sarap balik-balikan, Mga ala-alang naiwan, Mga pangakong binitawan, Pagmamahalang pinahalagahan. Ikaw lang, sinta ko, Ang nagpasaya sa'kin ng ganito. Nung ako'y nahulog, ako'y iyong sinalo, Noong panahong yun, para akong nanalo sa lotto. Ngunit kasiyaha'y natapos, Dahil sa desisyong padalos-dalos. Pag-ibig mo sakin ay nagtapos, Ngunit eto ako, minamahal ka pa rin ng lubos.